Ano ang People's law Enfoercement Board o PLEB?
~Ang PLEB ay isang adminidtribong opisina( Quasi Judicial Body) na sangay ng Goyerno na dumidinig, nagiimbestiga at nag dedesisyon sa mga reklamo at hinaing ng mag mamayanan sa mga abusado, pagmamalabis at walang galang na pulis. Ang pagsampa ng reklamo sa PLEB ay libre at walang bayad.
Paano ito naitatag?
~Ang PLEB ay naitatag ng ayon sa batas. Ito ay ang Republic Act 6975 o DILG Act of 1990 at ibang probisyon ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991.
Ano ang Komposisyon ng PLEB?
~Ang bumubuo sa PLEB ay ang BOARD o LUPON na may limang miyembro na pinumunuan ng CHAIRMAN at ang apat na MIYEMBRO nito. Ito ay Indenpendent Body.
Ano ang gawain at naiitulong ng PLEBsa mga taong nagrereklamo?
~Ang BOARD ang nag-iimbestiga, nagdedesisyon sa reklamo at kung ano ang dapat ipataw na parusa sa nagkasalng PULIS, matapos ang mausisa at mahigpit na imbestigasyon sa pamamagitan ng pagdinig o hearing ng kaso.